Naaalala niyo pa ba si Tatay Joselito? Ang kutsinta vendor na tinulungan ni Ivana Alawi. Heto na ang buhay niya ngayon.

Natatandaan niyo pa ba ang nagpaiyak sa atin sa vlog ni Ivana Alawi na si Tatay Joselito, ang kutsinta vendor na walang pagdadalawang isip na tulungan at pakainin si Ivana na noon ay nagpanggap na pulubi. Si tatay Joselito ngayon ay may YouTube channel na at masaya niyang ibinahagi sa isang niang video ang bagong apartment na nilipatan nilang mag-anak.

Masayang-masaya ito na may sarili silang kuryente at tubig sa kanilang bagong tirahan. May internet din umano sila na magagamit ni tatay sa kanyang paggawa ng mga video para sa kanyang YouTube channel.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 20,000 ang subscribers nito sa kanyang YouTube channel.

Hindi rin nakakalimot si tatay magpasalamat sa Diyos sa naging magandang takbo ng kanilang buhay. Aniya:

Salamat sa Dios at nakalipat kami at least dito may sarili kaming kuryente at tubig at may internet narin …bait ng kapit bahay pinakabit kami ng wifi…Salamat sa Lahat…at higit sa lahat kay ma’am Ivana Alawi.

Panoorin ang kaniyang vlog kung saan may pa-house tour

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa “StarStruck” sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 11.6 million ang kanyang YouTube subscribers.