Netizen: “I SAW GOD TODAY”

Malolos Bulacan – Ibinahagi ng netizen na si Mandy Viray ang nakita niyang kabutihan ng isang lalake sa isang drugstore sa Malolos City, Bulacan noong Biyernes.

Kwento niya, may isang matanda ang nais bumili ng gamot ngunit kulang ang kanyang pambili dahil lagpas P1,000 ang kanyang bill pero P200 lang ang pera niya.

Nang mararinig ito ng isang lalaki sa tabi ng matanda ay sinabihan nito ang pharmacist na siya na magbabayad ng kulang.

Laking pasalamat ng matanda at heto ang sagot sa kanya ng lalake “Nay, ‘di sa akin galing ‘yan, sa Diyos ‘yan galing. Sa Diyos po tayo magpasalamat.”

Heto ang kanyang Facebook post na nagviral at ngayon ay may 256k likes 8.1k comments at 133k shares.

Today, I saw God. It was a precious encounter!

So nasa Mercury ako kanina to buy my Meds when I overheard the Pharmacist and si Nanay na bumibili ng gamot.

Pharmacist: 1,100php po lahat
Nanay: (nilabas ang supot puno ng barya). Pwede ba makabili kahit tig iisang piraso ng nasa reseta? 200 lang pera ko pasensya na.

Biglang nagsalita yung lalaki sa tabi nya. Sabi ni Kuya sa Pharmacist, “Miss, sagot ko na yung kulang, bigay mo yung lahat ng nasa reseta ni Nanay.”

Tuwang tuwa si Nanay grabe yung pagpapasalamat nya kay Kuya.

Nung naibigay na ang gamot, di ko makakalimutan yung eksaktong sinabi ni Kuya kay Nanay…

“Nay, di sakin galing yan, sa Dios yan galing. Sa Dios po tayo magpasalamat.”

Yes, I saw God today. ❤❤❤

📷: Mandy Viray