Delivery Guy naluha ng marinig ang sinabi ng kanyang customer matapos malamang natapon ang isang order.

Manila – Sa panahon ngayon na patuloy nating kinakaharap ang pandemya at patuloy tayong nasa ilalim ng ECQ marami sa atin ang mas pinili na lamang mag-order ng pagkain sa pamamagitan ng online apps kaysa lumabas.

Tulad ng isang netizen na si Michelle Luna kung saan hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa kanyang order.

Aniya:

Share ko lang.
So, umorder nalang ako sa Food panda ng kakainin ko bago matulog. Nakabike lang ang nagdeliver sakin at nagtataka ko kasi tanaw ko palang halatang di sya mapakali. Pagkalapit ko sa knya, sorry sya ng sorry kasi ung hot choco natapon na halos ung kalahati.

What i did, binaba ko lang slight ung mask ko, nginitian sya at sinabing “OK LANG UN KUYA SALAMAT SA PAGHATID NG PAGKAIN KO, NA-APPRECIATE KO HARD WORK MO NGAYONG UMAGA.”

He almost cried. I dont know kung may pinagdadaanan si kuya or what. Pero diba ang simple lang sana ng mundo kung kaya nating i-appreciate ang mga bagay na meron tayo. Lalo na ung mga maliit o malaking bagay na kayang gawin satin ng ibang tao. May kulang man, piliin padin nating maging mabuti. Lalo na kung tingin natin mas kailangan nila makaranas ng appreciation.

*at syempre, isa din akong balat-sibuyas kaya nung nakita ko ng paiyak si kuya, umakyat na ako. HAHAHAHAHA

Alam natin na hindi madali ang buhay dahil na rin sa pandemya at swerte na lang kung may makakain at may pera ka pa para sa kanya kanyang pangangailangan. Ang iba ay todo kayod para sa pamilya na tila hindi iniinda ang pandemya may maiuwi lang pangkain sa hapag. Kaya mas mabuting iappreciate natin ang ibang nagta-trabaho tulad ng food delivery na matatawag ding mga frontliners.