LOOK | Bumbero nabiktima ng prank call.

Bulacan – Isang netizen ang nag-post hinggil sa isang prank call na ginawa ng hindi pa nakikilalang indibidwal, matapos tumawag ng bumbero kahit wala umanong senyales ng sunog sa lugar sa San Juan, Malolos, Bulacan, nitong Lunes, Abril 5.

Naging viral ang photo na ipi-nost ng netizen na si Lester Polillo Macion, nang maipakita niya ang pag-responde ng dalawang fire truck ng San Juan sa nasabing lugar.

Umani ng pagkadismaya at samu’t-saring reaksiyon ang mga nakakita sa nasabing larawan, kabilang na rito ang pagsasabi na hindi umano magandang biro ang ginawa ng hindi pa nakikilalang indibidwal sa likod ng pagtawag sa mga bumbero.

Heto naman ang ibang ibang reaksyon ng netizens sa pangyayari:

Jusko pandemic ngayon tas nag paprank pa kayo kala nyo na kakatawa nooh👊😳👎😡

Eto natututunan ng mga tao ngayon kakanood ng mga wlang kwentang prank sa youtube galing sa mga basurang vlogger at influencer

Bakit naman pati nag tatrabaho niloloko:(

sir ano ga nangyayare sa earth? Hahaha

 

Source: Lester Polillo Facebook/Go Bulacan