Netizens naantig sa kwento ni Lolo Sabino na nakitang nagtitinda ng buchi sa bandang Q.C

Nanawagan ang isang netizen na tulungan ang isang matandang lalaki na nakita niyang naglalako ng mga paninda nitong buchi sa may Commonwealth Elementary School sa Quezon City nitong Lunes nang hapon, Marso 15.

Ayon sa netizen na si Angelica Ordoñez Montoya, tirik na tirik pa ang araw habang matiyagang nagtitinda ang matanda. Matapos bumili ng ilan sa mga paninda nitong buchi na nagkakahalaga ng P25 kada isa ay tinanaw pa ni Montoya kung mayroon pang ibang bibili rito.

“Nakakaiyak kasi nakayuko na lang si tatay, naghihintay kung may bibili,” saad ni Montoya sa kanyang Facebook post.

Please pag nakikita nyo si tatay bili kayo ng buchi na paninda nya 25 pesos lang 🙏🙏🙏 4 na piraso na malalaki. Sa tapat ng Commonwealth Elementary school ko sya nakita kanina mga 12nn tirik na tirik pa yung araw 😔 ang tagal ko nagstay sa gilid nya para makita kung may bumibili 😔 nakakaiyak kase nakayuko nalang si tatay naghihintay kung may bibili 😟
Please pleaaaase pag nakita nyo sya Commonwealth area please 25 pesos bili na kayo 🙏🙏🙏🙏

Hindi ako nagpost para sumikat, kung kaya ko lang bilhin lahat para makauwi na si tatay😔 at hindi na gawin ang bagay nato 😞 kaso hindi😔 kaya sana pag nakita nyo si tatay kahit isa lang bili na kayo 🙏🙏🙏

Maraming netizens din ang nag-comment sa kanyang post na nagsabing madalas din nilang nakikita ang matanda na nagtitinda doon sa lungsod, subalit kasalukuyan pang inaalam ni Montoya ang pagkakakilanlan nito upang mapadalhan ito ng tulong.

Napagalaman na si lolo ay si SABINO TAMES BORINAGA , 86 YRS OLD. Nakatira sa #47 freedom park 5 batasan hills Qc. At ang tanging kasama nya lang sa bahay ang kanyang apo na 10yrs old lang inaangkat nya lang po paninda nya

 

Nagviral ang post tungkol kay lolo Sabino hanggang umabot sa ilang local na opisyal at natulungan si lolo at nabigyan ng groceries.