Gamit lamang ang kanyang bike, Delivery driver naghatid mula Binondo hanggang Cavite. Inulan ng biyaya!

Manila – Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang delivery driver na naghatid ng order mula sa Binondo hanggang Cavite.

Nagtaka di umano ang buyer kung bakit tatlong oras na ay wala pa rin ang kanyang order at laking gulat ng pagdating ay nalamang bike lamang ang gamit.

Solid nung nag deliver ng order ko
Una nagagalit pa ako kasi bat kako ang tagal halos 3hrs wala pa
Sabi lang ng rider basta dadating daw sya
Mag antay lang daw ako
Nung dumating ung rider bigla nawala inis ko
Una natawa ako tapus naawa ako
Grabi from binondo papuntang cavite eto lang gamit nya tapus ang rate 250pesos
Nag messege ako doon sa store sabi ko sarili nyo ba delivery ung nag dala ng item ko?
Sabi nung store yes sir mga tambay dito sa amin yan imbes na mag bisyo eh binibigyan namin ng trabaho
Ung rate daw na 250 eh binabase lang din nila daw sa lalamove rate kaya mababa para hindi din daw lugi ung mga buyer

Para doon sa store saludo ako sa pag tulong nyo sa mga tambay sa inyo at doon sa nag dala ng item ko idol kita sana gayahin ka din ng mga ibang tambay sa inyo

Take note may sukli na 250 sabi ko kuya syo na yan kasi ramdam ko pagod mo babalik ka pa ng binondo at wala kanamang item na pabalik isipin mo 250 balikan binondo – cavite tapus balik uli ng binondo
Ang sabi lang ni kuya naku boss ok lang un kasama sa trabaho namin un
Pinilit ko na kunin ang sukli sa 500 na 250 ang ginawa nya binalik ung 100 ok na daw sya doon

Again kuya saludo ako syo 😊😊😊💪💪💪👏👏👏

Check nyo ung gamit nya na bike hindi pa pang racing kaya ang hirap padyakan nyan 💪💪💪

Matapos ngang mag-viral ang post na ito maraming netizens ang tumulong kay kuyang bike driver. May mga nagbigay ng bike at ang pinakamalaking biyaya ay galing sa sikat na social media influencer na si Basel Manadil, The Hungry Syrian Wanderer.