Happy Birthday photoshoot ng isang binata, viral sa social media.

Sa panahon ng pandemya kung saan bawal ang maglabas labas at magpa-party kapag may kaarawan marami sa ating netizens ang nag-iisip ng mga bagong ideas para kahit papaano ang simpleng handa sa kaarawan ay maging memorable pa rin.

Tulad na lamang ng isang netizen kung saan ginaya niya ang mga photoshoot ng mga baby na nagdiriwang ng kada buwang kaarawan.

Si Rhyz Aznar Leynes ay nagdiwang ng kanyang dalawangput pitong kaarawan at sinong mag-aakala na ganito ang kanyang birthday theme na talagang pumatok sa online community. Sa ngayon pumapatak mahigit 104k likes, 32k comments at 168k shares ang kanyang post.