Ivana Alawi napaiyak matapos mang-PRANK sa kalsada.

Manila – Sa latest upload ni Ivana Alawi sa kanyang Youtube channel maraming netizens ang napaiyak sa kwento ng isang tindero ng magkukutsinta na kahit kapos ay nagawa pa ring magbigay ng 20php at pagkain kay Ivana na nagpanggap na pulubi na nais makauwi sa Baguio.

Bagamat maraming mabubuting loob ang nagbigay ng tulong kay Ivana at nagbahagi rin ng kanilang kwento mas pumukaw sa mga netizens ang kwento ni Tatay Joselito Martinez na taga-Ormoc City.

“Tatay na lang kita, Tatay na lang itatawag ko sayo.” “Oo sige tatay na lang tawag mo sa akin.”

Matapos manghingi ng pera ni Ivana ay agad siyang inabutan ng 20php ni tatay Joselito at inabutan din ng kutsinta dahil hindi pa di umano kumakain ang dalaga. Sa kanilang kwentuhan makikita mo ang sinseridad ni tatay na talagang nag-aalala kay Ivana.

Dito hindi na napigilan ni Ivana na maluha at putulin na ang pagpapanggap upang suklian ng x1000 biyaya si tatay.

“Tapos bibilhan pa daw niya ako ng coke. Sobrang bait niya sana marami pang tumulad sa kanya iba talaga ang pinoy at may pag asa pa rin tayo at sa mga nagsasabing hindi tayo uunlad. Uunlad tayo.”

And at the end sa vlog nya, she said that “Hahanapin namin siya at deserve nya nang maraming tulong.” that’s why I really love and admire Ivana since day 1.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa “StarStruck” sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 11.6 million ang kanyang YouTube subscribers.