Anne Curtis usap usapan sa kanyang latest photo.

Boracay – Muli na naman naging laman ng social media ang nag-iisang dyosa ng local show business matapos niyang ipost ang kanyang latest photo sa Boracay sa kanyang personal account sa Instagram.

Sa kanyang naturang post ay pinasalamayan niya ang kanyang blkcosmeticph team at ang Crimson Resort kung saan sila tumuloy.

“Sun kissed. Was so nice to finally visit Boracay again with the @blkcosmeticsph team and family. This time, our days were spent in a quiet cove of the island. Had the loveliest stay and experience at @crimsonboracay #stationzero.”

Makikita sa kanyang litrato kung bakit siya lang ang nag-iisang Dyosa at Annekabogable dahil sa parang hindi siya nanganak sa kanyang pigura. Dahil dito inulan siya ng positibong komento mula sa netizens at pati na rin sa mga kaibigan niya sa entertainment industry.

Matatandaan na kababalik lang ni Anne Curtis sa bansa kasama ng kanyang asawa at anak na si Dahlia matapos ang lagpas isang taong pamamalagi sa Australia.