NCT Taeyong cover Ben & Ben “Pagtingin”.

2021 – Sa henerasyon ngayon masasabi nating karamihan sa mga kabataan ay nahuhumaling sa KPOP o Korean Pop dahil bukod sa kanilang visuals ay sadyang nag-uumapaw ang kanilang talento mapakanta o sayaw. Isa sa masasabi nating sikat sa henerasyon ngayo ay ang grupong NCT na mula sa SM Entertainment kung saan nagmula ang ilan sa mga sikat na grupo at indibidwal tulad ng TVQX, SUPER JUNIOR, BoA, SHINee, SNSD atbp na dahilan kung bakit nakilala ang kpop saan man sulok ng mundo.

Maraming mga pinoy ang nahuhumaling sa kpop at ngayon nga ay napatrending nila ang leader ng NCT na si Taeyong dahil sa kanyang pagcover ng Ben & Ben “Pagtingin”

Ang NCT ay binubuo ng 23 na miyembro at may mga unit na NCT127, NCT U, NCT Dream at ang kanilang Chinese unit na WAYV.