Chix nagsalita na patungkol sa hiwalayan nila ni Dogie.

Manila – Sa mundo ng teknolohiya kung saan marami ng kabataan ang nahuhumaling sa social media kung saan marami kang maaaring gawin para maglibang, matuto ng bagong kaalaman at kung ano ano pa. Masasabi natin na isa sa sikat na personalidad sa larangan ng paglalaro online ay ang magkasintahang si Dogie at si Chix na talagang milyon milyon ang mga sumusuporta lalo na sa mundo ng ML.

Ngunit naging usap usapan ang balitang hiwalay na si Dogie at si Chix. Makikita sa ibang stream na nagsalita si Dogie patungkol dito. May mga bagay din na binulgar si Dogie patungkol kay Chix na talagang kinagulat ng mga netizens at supporters.

Matapos ang pangyayaring eto naglabas na nang saloobin ang dating kasintahan na si Chix.

Ilan sa mga sinabi ni Chix:

“ilang beses din ako guys napagod sobra, pero ni minsan di ko sinukuan si Dogie. Unang Breakup, sya nakipag break. Pangalawa, sya ulit.”

Ani pa ni Chix 2am ginising siya ni Dogie para lang sabihing hindi na siya mahal at nais na ngang makipaghiwalay.

Heto ang video kung saan sinagot ni Chix ang ibang paratang ni Dogie.

Isa sa nabanggit sa video ni Dogie ang katagang “wala akong pake sa 8 years, kasi di na kita mahal wala nakong feelings sayo.” Na talagang naging dahilan para lalong maging emosyonal si Chix.

Sinabi rin ni Chix na end of November sila official na naghiwalay at ilan beses din naman sila naghiwalay pero naaayos at nagkakabalikan din.

Sa tingin niyo maaayos pa kaya nila ang kanilang problema? May mga tao talaga sa past natin na babalik para lang saktan tayo ulit and sobrang kakaiba yung pain pag sinaktan ka nung taong binigyan mo ng pangalawang pagkakataon di po ba?

Stay strong, para sa mga taong tahimik lumalaban. 💪

“One day, someone will love you the way we deserve to be loved.” 💖