Bakit nga ba walang malaking Yakult? Heto ang kasagutan.

Ang Yakult ay isang sweetened probiotic drink na may Live Lactobacilli Shirota strain. Nagmula sa Japan noong 1930, sinimulan itong ilako sa mga bahay bahay hanggang sa lumago nang lumago ang produkto.

Isa sa pinakasikat sa Asia ang Yakult. Kung saan ito ay nakalagay lamang sa isang maliit na plastic bottle. Kaya naman marami ang nagtataka kung bakit walang malaking size ng ating paboritong Yakult?

Upang masagot ang katanungan ng lahat, isang netizen ang naglakas loob na magtanong sa Facebook page ng Yakult.

“Bata pa ako noon mula ngayon, ‘di ko pa rin alam ang sagot. Bakit po walang malaking size ng Yakult?” tanong ni Roseller Kempis.

Agad naman sumagot ang facebook page ng Yakult upang sagutin ang katanungan ng maraming Pilipino.

“That’s an interesting question, Roseller. Thank you for thinking about us. Yakult avoids creating bigger bottles for the reason that Yakult must be consumed in one sitting. Having a bigger Yakult will make it prone to contamination by frequent opening and closing of the lid.”

At ayan na ang kasagutan na hinahanap ng nakararami.