P1.8M ng isang dating OFW, naglaho na parang bula. RTIA

Sa panahon ngayon isang malaking challenge na ang makaipon ng malaki dahil na rin sa hirap ng buhay at sa dami ng mga bayarin kaya marami sa ating mga kababayan ang mas ninanais na mangibang bansa para sa mas malaking oportunidad at mabilisang makaipon para sa kinabukasan. Heto marahil ang nasa isip ng isangf OFW sa Korea nang kanyang pagdesisyunang magtrabaho sa ibang bansa. Ngunit tila ba naglahong parang bula ang inipong P1.8M matapos umanong ubusin ng kanyang dating kasintahan na si Kristine Mae Cortiguerra.

Ayon kay Ryan, nagpapadala umano sya buwan-buwan ng P100,000 kay Kristine na dapat ay kanila sanang ipon ngunit nang umuwi ang OFW sa Pilipinas noong 2020, nalaman nya na lamang na naubos na pala ang kanyang milyong-milyong ipon.

Nang malaman ang nangyari agad namang humingi ng tulong si Ryan sa programa ni Tulfo. Ang dahilan ng kanyang nobya, siya ay nagayuma at nabudol ng kanilang driver na si Rodrigo Magnaye kung saan ayon kay Kristine kada sakay niya sa kanilang sasakyan ay mayroon siyang naamoy at siya ay biglang nahihilo.

Tinabla naman ni Tulfo ang dahilan ni Kristine at kinwestyon kung bakit nya hinayaang mangyari yun nang paulit-ulit.

Pinabulaanan naman ng driver ang mga paratang ni Kristine. Ayon sa kanya, mayroon daw siyang hawak na ebidensya na may nais si Kristine na hindi maganda sa buhay ni Ryan.

Lalo namang nag-init ang ulo ni Ryan sa nalaman at ang gustong mangyari ay bayaran ni Kristine ang nawalang salapi.

Desididong magsampa ng kaso si Ryan laban kay Kristine lalo na at hindi naman ito kayang bayaran agad ng babae.

Panoorin ang buong kwento: