Food delivery driver, nailigtas ang isang lalakeng nais tumalon ng flyover.

Sinong mag-aakala sa gulo ng mundo ay may isang taong magliligtas sa hindi niya kakilala habang siya ay naghahanapbuhay. Ganito ang naging sitwasyon ng isang food delivery driver na si Eliseo Cabigting, 44 anyos, tubong Tarlac na maituturing na isang bayani.

Ito ay matapos nyang mailigtas ang isang lalakeng nagtangkang tumalon sa isang flyover sa Quezon City.

Habang tinatahak ni Cabigting ang kahabaan ng EDSA, ay laging gulat na lamang nito na biglang bumagal ang daloy ng trapiko at doon nakita ang lalaking nakaitim na nagbabalak sanang tumalon mula sa flyover.

Sa isang video na kumalat sa social media, may isang rider ang kumausap sa binata habang naghahanap ng tyempo si Cabigting. Nang makakuha ng tyempo, agad namang niyakap ni Cabigting ang lalaki at inialis sa nasabing tulay.

Agad din namang umalis sa eksena si Cabigting matapos ang pangyayari upang maihatid ang kanyang delivery.

source