Drag Queen Katkat Dasalla hindi inasahan na ganito ang matatanggap na sagot sa kausap na airline.

Philippines, 2020 – Ngayong taon masasabi nating taon kung saan masyadong maraming nangyari at pwede pang mangyari bago matapos ang 2020.

Nagsimula ang 2020 sa pagputok ng taal, na kinapinsala ng maraming establishimento at negosyo sa bayan ng Batangas, Tagaytay at sa iba pang parte ng south.

Nasundan naman ng takot sa nakamamatay na virus (Covid19) na hanggang ngayon ay pumipinsala sa kalusugan at nagbibigay ng takot sa mamamayan.

Dahil na rin sa COVID19 maraming nagbago sa mga regular na gawa ng kapwa Pilipino. Ang dating regular na pagpasok sa trabaho ay nauwi sa WFH at ang iba pa nga’y tuluyan ng nawalan ng pinagkakakitaan.

Ang mga planong gala, mga lugar na dapat ay iyo nang napupuntahan, mga na-book na flight pang-alis stress ay unti-unting nauwi sa pagcancel dahil pa rin sa covid19.

Tulad ng nakakatuwang kwento ng drag queen na si Katkat Dasalla habang kanyang minemessage ang airline para sa kanyang dalawang nakansel na flights noong November 7.

Dahil na rin sa pagbabago, ang dating madaling pakikipag-usap sa mga customer service ay isa na ring pahirapan dahil madalas nga automated response lang ang madalas nating matanggap na dahilan kung bakit mabagal ang pag-usap ng isanv transaksyon.

Habang nakikipag-usap si Katkat Dasalla at kanyang inakala na ang nagrereply sa kanya ay isang automated response, hinamon niya ang kausap na sabihing “Trulaley Mama!”

Nagulat si Katkat nang magreply ito ng “Trulaley Mama! at walang halong eklavuu! πŸ™‚β€

At hindi pa doon natatapos ang pasiklab ng kausap ni Katkat ng magmessage pa ito ng ganito:

“Mei asking galore ka pa ba memeng? If wichikels, kayro egyp na si alengkang, push ka lang ditis if may asking ka pa mems. Keep safesung and magi na mag splok! πŸ™‚,”

”At yung ayaw pa tlga nya magpaawat ahaha!!!” ayon kay Katkat

Translation:

“May itatanong kapa ba Mama? At kung wala na, alis nako, punta ka lang dito kung may itatanong kapa Mems. Keep safe at wag na mag salita!”

Katkat was told to wait for her refund within six months.