BAGYO KA LANG, PINOY KAMI | Netizen nagbigay ng panandaliang aliw sa social media.

MANILA, Philippines – Noong Nobyember 1, 2020 hinagupit ng malakas na bagyong Rolly ang bayan ng Catanduanes, Bicol at pati na rin sa ibang parte ng Luzon.

Nakaranas ang Bicol ng malalakas na hangin na nagpatumba ng mga puno at ulan na puminsala sa papamigatan ng pagbaha.

Matapos ang pamiminsala ng bagyong Rolly naitala nito ang pinsala na umabot sa Php 429.72 milyon at Php 401.72 milyon naman sa agrikultura.

Hindi pa man nakakabangon ang ating mga kababayan mayroon naman agad na sumunod na bagyo na pumasok sa Pilipinas, ang bagyong si Ulysses, sampung araw matapos manalanta ni bagyong Rolly.

Ang bagyong si Ulysses ay nagpayanig hindi lang sa Catanduanes kung saan ang sentro kundi naramdaman din ang bangis nito sa kabuoan ng Metro Manila lalo na sa Marikina pati na rin sa Montalban, Rizal at hanggang ngayon ay pumipinsala pa rin sa bayan ng Cagayan at Isabela.

Pero ika nga nila BAGYO KA LANG, PINOY KAMI na sa kalagitnaan ng sakuna nagagawa pa rin nating mga pinoy ang tumawa at hindi panghinaan ng loob. Hindi dahil sa pinagsasawalang kibo natin ang sakuna kundi ang pagiging MASAYAHIN na lang nating mga pinoy ang tanging PINAGHUHUGUTAN natin ng LAKAS NG LOOB sa gitna ng unos.

Tulad na lang ng isang netizen na ito na sa kalagitnaan ng pagbuhos ng bagyong Ulysses ay nagawa pa ring magpasaya ng mga kababayan sa pamamagitan ng social media.

Marami ang natuwa sa post na ito na talagang nag-viral sa social media. Dahil sa post na ito nagbigay ng kauting saya sa ating mga kababayan kahit sa maikling oras ay nakalimot ang mga ito sa problemang ating kinahararap.

Bagyo ka lang, Pinoy kami maaaring nakadapa kami ngayon pero babangon kaming muli at magsisimulang muli.

source